SA GIPIT NA PANAHON,
Ngayong panahon ng kagipitan,
Alkansiya natin ang makakapitan.
Kaya't ito ay atin nang buksan
Upang pangangailanga'y matustusan.
Maliit man o malaki man yan,
Tulong nito'y kailanmay di makakalimutan.
Kahit na mga bilihi'y nagsisitaasan,
Ang mahalaga'y maibsan ang ating kagutuman.
Sa mga ganitong panahong tayo'y naghihinagpis,
sa matinding dulot at dala nitong krisis.
Ang mahalaga lahat tayo ay nagbibigkis,
Dahil tayong likha NIYA ay kanyang kawangis.
Nawa'y kapulutan ng aral ang mga ganitong bagay,
Paka-ingatan sana itong binigay na buhay.
Hanggang kamatayan at sa ating huling hukay,
Sa langit tayo'y KANIYANG bibigyang pugay.
By: MILDRED A. SARMIENTO
No comments:
Post a Comment